PRO-6, AFP at United Federation of Muslim Association of Western Visayas – nagsagawa ng covenant signing on counter terrorism

Iloilo, Philippines – Nagsagawa ng covenant signing on counter terrorism ang PRO 6, AFP at United Federation of Muslim Association of Western Visayas.

 

Layunin nito na mapigilan ang pagpasok ng mga terorista sa Western Visayas at isla ng Panay.

 

Ayon kay Hadji Muammar Faisal Arumpac, ang chairman ng United Federation of Muslim Association of Western Visayas, bumuo sila ng screening committee para salain ang mga Muslim na pumapasok sa Western Visayas.

 

Kanilang tsine-check ang background ng isang Muslim nga pumupunta sa Panay at kung malaman na may masama silang record at posibleng terorista, ibabalik sila sa kanilang pinanggalingan.

 

Samantala, ikinatuwa naman ni Police Chief Supt. Jose Gentiles, Regional Director ng PRO6, ang naturang kaganapan na ang layunin ay masugpo ang pagpasok ng terorista na Maute Group sa rehiyon 6.    


  

Facebook Comments