Saturday, June 13, 2026

600 classrooms, itatayo sa Maynila sa ilalim ng 2026 national budget

Nasa 600 classrooms ang planong itayo sa lungsod ng Maynila sa ilalim ng 2026 national budget.

Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bam Aquino nang magtungo sa Maynila at ipresinta ang mga update kaugnay sa mga plano sa edukasyon sa lungsod.

Ayon kay Aquino, layon ng pagkakaroon ng pinakamalaking alokasyon ng edukasyon sa pambansang pondo ang mapaganda pa ang mga pasilidad, kondisyon ng mga mag-aaral at pagkatuto ng mga estudyante.

Sa pamamagitan din aniya nito ay mababawasan ang overcrowding sa mga paaralan at mas maging maayos ang learning environment ng mga estudyante sa Maynila.

Maaari din aniya na gamitin ng mga local government unit ang bahagi ng pambansang pondo para magpatupad at mapalawig pa ang feeding programs sa mga paaralan.

Nagpasalamat naman si Manila Mayor Isko Moreno sa mambabatas sa pagtutok sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Sinabi pa ng alkalde na dapat ibalik ang tiwala ng taumbayan pagdating sa serbisyo publiko anuman ang kulay ng kanilang politika.

Facebook Comments