Sunday, May 17, 2026

PBBM at VP Sara, nakakuha ng mataas na trust at approval ratings —RPMD Survey

Nanguna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga matataas na opisyal na nakakuha ng mataas na trust at approval ratings.

Batay sa pinakahuling nationwide survey ng RPMD Foundation Inc., nakakuha si PBBM ng 56% trust at 58% approval ratings.

Habang bahagyang bumaba ang approval ratings si Vice President Sara Duterte na nasa 51% pero siya pa rin ang may pinakamataas na trust ratings na 57% sa gitna na umiiral na mga kontrobersiya at usapin ng impeachment.

Ayon sa RPMD, lumalakas ang suporta kay Marcos sa Luzon at maging sa ilang bahagi ng Mindanao, habang nananatiling matatag ang base ni Duterte sa Mindanao.

Ayon sa RPMD, lumalakas ang suporta kay Pangulong Marcos Jr. sa Luzon at sa ilang bahagi ng Mindanao habang nananatili ring matatag si Duterte lalo na sa kaniyang balwarte.

Samantala, nakakuha ng 54% trust ratings at 56% approval ratings si House Speaker Bojie Dy habang 51% trust ratings at 53% approval naman si dating Senate President Tito Sotto.

Sa hanay naman ng gabinete, nanguna si Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian bilang top-performing Cabinet official kasunod sina Department of Education Sec. Sonny Angara, Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla, Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon, Executive Secretary Ralph Recto at Department of Justice (DOJ) Secretary Eric Vida.

Isinagawa ang survey mula April 1 hanggang April 8 sa 5,000 respondents nationwide.

Facebook Comments