600,000 doses ng COVID-19 vaccines ng kompanyang Sinovac Biotech, darating sa bansa sa Pebrero 23

Kinumpirma ng Malacañang na darating sa bansa ang nasa 600,000 doses na COVID-19 vaccine mula sa kompanyang Sinovac Biotech sa Pebrero 23.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga darating na bakuna ang 100,000 doses na ido-donate ng Chinese government sa Department of National Defense.

Matatandaang wala pang Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinovac mula sa Food and Drug Administration (FDA) na pangunahing kailangan upang legal na maipamahagi ang nasabing bakuna sa publiko.


Pawang ang mga COVID-19 vaccines pa lamang ng mga kompanyang Pfizer-BioNTech at AstraZeneca ang mayroong EUA sa bansa.

Facebook Comments