603rd Brigade Commander humanga sa pagsisikap ng Iranun Town Mayors

Muling nagpulong ang Iranun Inter- Agency Task Force. Isinagawa ito sa Brgy. Nuyo sa bayan ng Buldon sa Maguindanao.
Lumahok sa buwanang pagpupulong si 603rd Brigade Commander General Jesus Sarsagat kasama ang iba pang chairman na sina Buldon Mayor Abolais Manalao, Barira Mayor Barok Tomawis, Matanog Mayor Kits Guro at Parang Mayor Ibrahim Ibay at si 37th IB BatCom Lt. Jun Pulitod.
Kabilang sa mga pinag usapan ang mga insiyatiba ng Task Force Iranun sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Iranun Towns , usapin sa Pantawid Pamilya Pilipino Program at kampanya kontra Illegal Logging.
Kapwa naman nagpaabot ng pagsuporta ang mga alkalde sa mga adbokasiya ng pamahalaan na pagsilbihan ng tapat ang kani kanilang mga kababayan.
Kaugnay nito, binigyan ng pagkilala ni 603rd Brigade Commander Gen. Sarsagat sina Mayor Manalao, Tomawis, Guro at Ibay dahil na rin sa nakamit na Seal of Good Local Governance , patunay aniya na nagtatrabaho ng maayos ang mga ito. Humanga rin ang heneral dahil sa ginagawang koordinasyon at pagsisikap ng mga alkalde para sa kani kanilang mga bayan.
Matatandaang mariing tinututukan ngayon ng militar ang bawat LGU Officials kasabay ng inilabas na Martial Law Instruction # 1.

Facebook Comments