60M AD PLACEMENT | Mon Tulfo, hinimok ang Malacañan at iba pang ahensya na imbestigahan ang kanyang mga kapatid

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ng kolumnistang si Ramon Tulfo ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang mga kapatid sa 60 million pesos ad placement ng Dept. of Tourism (DOT) sa Government Channel na PTV-4.

Naniniwala kasi si Ramon na may iregularidad ang kontratang pinasok nina dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at Ben Tulfo.

Aniya, may conflit of interest ito.


Hinimok ni Ramon ang Malacañang at iba pang ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang kanyang mga kapatid.

Giit pa ni Ramon, kapag napatunayang nagkasala ang dalawa niyang kapatid, dapat lang na panagutin sila at kasuhan ng kasong pandarambong.

Ani Ramon, ang usapin ay nakaapekto sa kanyang reputasyon, at maging ng kanilang iba pang kapatid na sina Raffy at Erwin.

Facebook Comments