Nagbukas na para sa turismo ang nasa 61 bansa sa mundo.
Sa public advisory ng Department of Foreign Affairs (DFA), mula sa 198 bansa at lugar sa mundo, tanging pito lamang ang pumapayag na magpapasok na walang indbound arrival protocols.
Ang pitong bansa ay ang Haiti, Mexico, Andorra, Montenegro, North Macedonia, Serbia at Zambia.
Nasa 54 na bansa naman ang nagtanggal ng kanilang inbound border restrictions sa mga Pilipino.
Umaabot naman sa higit 130 bansa ang nananatiling sarado para sa turismo kabilang ang 53 bansa na hindi pa tumatanggap ng inbound travel at 84 ay nagpatupad ng travel ban sa mga turista.
Pinapayuhan ng DFA ang mga Pilipinong biyahero na sundin ang mga patakarang itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Bureau of Immigration (BI).
Mahalaga ring tingnan nang maaga ang travel dates sa kanilang airlines bago umalis o bago bumili ng ticket lalo na at maaaring magbago anumang oras ang mga impormasyon.