Cauayan City, Isabela- Nakapagtala kahapon, Enero 2, 2021, ang Department of Health-Cagayan Valley Center for Health Development ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa datos ng DOH Region 2, animnapu’t isa (61) ang naitalang bagong kaso sa rehiyon ngunit nakapagtala ng bagong recovered cases na dalawampu (20) na nagdadala sa kabuuang bilang na 4,806.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 362 na aktibong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon mula sa total confirmed cases na 5,255.
Umaabot naman sa 87 ang naitalang kabuuang bilang ng namatay sa sakit.
Samantala, ang probinsya ng Cagayan ay mayroon pang natitirang 120 na aktibong kaso; 197 sa Isabela; 35 sa Santiago City; siyam (9) sa Nueva Vizcaya at isa (1) sa Lalawigan ng Quirino habang COVID-19 free pa rin sa Batanes.