
Cauayan City – Boluntaryong sumuko ang isang 62-anyos na magsasaka sa mga awtoridad matapos ang halos apat na dekadang pagiging miyembro ng Communist Terrorist Group.
Ayon kay “Orlan” , nagsimula ang kanyang pagkakasangkot sa kilusan noong 1984 sa edad na 18, sa ilalim ng pamumuno ni alyas “Allen.”
Ipinadala siya sa iba’t ibang lugar para sa pagsasanay, kabilang ang pagiging medik sa Manila Chinese Medical Hospital kung saan natuto siya ng acupuncture.
Noong 1986, sumailalim siya sa basic at advanced combat training sa Nueva Vizcaya kung saan pinag-aralan niya ang marksmanship, patrolling, at war games.
Sa kalaunan, umangat siya bilang platoon leader ng 36 katao at nagsagawa ng operasyon sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya, Quirino, at Ifugao.
Bahagi ng kanilang misyon ang pagbibigay seguridad sa mga bagong recruit at pag-iwas sa engkuwentro sa tropa ng gobyerno sa Malabing, Kasibu.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayombong Municipal Police Station si “Orlan” para sa kaukulang dokumentasyon.









