
Cauayan City – Nakahanda na ang delegasyon ng Cagayan na magpakitang-gilas sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2025 na gaganapin sa Santiago City mula April 23 hanggang April 27, 2025.
Aabot sa 782 na kinabibilangan ng mga atleta, coaches, trainers, at chaperons ang bubuo sa delegasyon ng Cagayan na sumailalim sa matinding pagsasanay bilang paghahanda sa kompetisyon.
Samantala, pinaalalahanan ni Mrs. Clarita Lunas, Consultant on Education ng pamahalaang panlalawigan, ang mga atleta na panatilihin ang kalusugan at pisikal na lakas.
Aniya, ito ang mahalagang susi upang maipagtanggol ang karangalan ng Cagayan sa regional meet.
Dagdag pa ni Lunas, mahalaga rin ang pagkakaisa, dedikasyon, at buong pusong pagsisikap upang maiuwi ang kampeonato.
Samantala, upang matiyak ang maayos na biyahe patungong Santiago City, 15 bus at 2 coaster mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang ginamit ng buong delegasyon.