63 mga bansa, infected na ng monkeypox virus

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na umaabot na sa 63 na mga bansa ang may kaso ng monkeypox virus.

Ayon sa WHO, sa ngayon umaabot na sa halos 10,000 ang kaso ng monkeypox virus sa naturang mga bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang WHO sa civil society at LGBTIQ+ community para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.


Ang nasabing populasyon kasi ang may mataas na panganib sa monkeypox virus.

Patuloy rin ang pag-aaral ng mga bansa hinggil sa pagtuklas ng mga lunas para sa nasabing virus.

Facebook Comments