Boracay Islands, kabilang sa ‘world’s greatest places of 2022’ ng Time Magazine

62

Pasok ang Boracay Island bilang isa sa “world’s greatest places of 2022”.

Ito ay batay sa inilabas ng Time Magazine kung saan pasok ang isla sa walong destinasyon sa Asya na itinuring bilang isang “paradise reborn.”

Ang sikat na tourist destination sa bansa ay nakilala dahil sa taglay nitong white-sand beaches.


Isinagawa ng Time Magazine ang pagpili kung saan tinanong nila ang respondents at kanilang contributors sa buong mundo tungkol sa mga lugar na nag-aalok ng bago at exciting experiences.

Samantala, kabilang din sa nasabing listahan ang Seoul sa South Korea, Kerala at Ahmedabad sa India; Trans Bhutan Trail sa Bhutan; Resortapalooza ng Bali, Indonesia; at Kyushu Island at Setouchi Islands ng Japan.

Facebook Comments