63 Milyong Halaga ng Marijuana Plantation, Sinira

*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang nasa mahigit 63 milyong piso ang kabuuang halaga ng Marijuana Plantation ang sinira ng mga awtoridad sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Pinagsanib na pwersa ng Police Regional Office Cordillera, Kalinga Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera at Region 2, 50IB SIO, Philippine Army, and National Bureau of Investigation (NBI) Region 2 ang nakatuklas sa nasabing malawak na taniman.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, agad na sinira ang taniman ng marijuana na tinatayang nasa 25 square meters ang lawak.


Sa kabuuan, nasa 263,600 ang mga nasirang marijuana kasama na ang nasa 87,000 na grams stalks at pinatuyong dahon ng marijuana habang mahigit sa limang libo (5,000) ang mga marijuana seeds ang kanila ring nakumpiska.

Facebook Comments