65 BAGS NG DUGO, IPAPAMAHAGI SA MGA BARANGAY NG ROXAS, ISABELA

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nakalikom ng kabuuang 65 bags ng dugo mula sa mga donors ang PNP Roxas sa isinagawang bloodletting activity kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day na ginanap sa Roxas Arts Culture and Sports Complex, Roxas, Isabela.

Ang naturang programa ay bahagi ng Police Community Relation Activity na may temang “Alay Kong Dugo, Galing Sa Puso” na inorganisa ng PNP Roxas na pinamumunuan ni PMAJ. Rassel Tuliao.

Ilalaan naman ang mga nalikom na dugo sa mga barangay ng Roxas na nangangailangan nito.

Kasama rin sa aktibidad ang Philippine National Red Cross Isabela Chapter, RMFB2 204th at ng 202 Community Defense Center, 2RCDG, Rescom, KKDAT Roxas Chapter gayundin ang mga kinatawan mula sa 26 barangay bayan ng Roxas sa pangunguna ng mga kapitan ng barangay.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng feeding program at distribution ng food packs ang PNP Roxas kung saan 50 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-5 kilos na bigas.

Bahagi ang aktibidad ng “PNP Program Kapwa Ko, Sagot Ko” na isa sa mga best practices ng PNP Roxas na tinawag na Bigay Bigay Buhay (BBB).

Facebook Comments