Mexico – Sumampa na sa 66 ang bilang ng mga nasawi sa fuel pipeline blast sa Tlahuelilpan, Mexico noong Biyernes ng gabi.
Ito ang itinuturing na pinakamalalang insidente ng sunog sa industriya ng oil infrastructure sa Mexico.
Bukod sa mga nasawi, 76 na iba pa ang nasugatan sa insidente.
Dinepensahan naman ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador ang militar matapos ang pagsabog.
Aniya, tama lang na iniwasan ng mga sundalo ang komprontasyon sa mga residenteng malapit sa pipeline dahil sa banta ng karahasan.
Noong December 27, matatandaang ipinag-utos ni obrador ang temporary shutdown sa oil company na pag-aari ng gobyerno at ang crackdown laban sa mga nagnanakaw ng langis.
Facebook Comments