Maranao-Muslim, sabik na sa plebesito ng BOL bukas

Sabik na umano ang mga Maranao-Muslim na lalahok sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao.

Ayon kay ARMM 1st district Rep. Zia Alonto Adiong – na isang mahalagang materyal ang plebisito para mapasok ang daan tungo sa hinahangad na pang matagalang kapayapaan sa Mindanao.

Aniya, ang magiging tagumpay ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao ay sagot sa suliranin na kinaharap sa rehiyon.


Kabilang ang buong marawi city at mga bayan ng Lanao Del Sur na maraming bilang ng Maranao-Muslim na lalahok sa plebisito sa Enero 21, 2018.

Facebook Comments