Sagupaang Pacquiao-Broner mamaya, inaabangan na!

Las Vegas – Inaabangan na ang gaganaping sagupaan nina Pambansang Kamao Manny ‘’Pacman’’ Pacquiao at Adrien Broner ngayong umaga sa mgm grand Las Vegas, Nevada.

Sa official weigh- in kahapon kapwa pasok ang dalawa sa kanilang mga timbang na 146 pounds kay pacquiao habang 146.5 naman para kay broner.

Matapos makuha ang timbang ay agad na bumawi ng kain si Senator Pacquiao kung saan ay binanatan nito ang daing, bulalo at adobo.


Matatandaang nagka sipon pa ang Fighting Senator ilang araw bago ang laban na magsisimula mamayang alas nuebe ng umaga.

Todo pagyayabang naman ang American Boxer at sinabing sa isang iglap lang ay kikilalakin siya sa buong mundo dahil patutumbahin niya si Pacquiao.

Tiniyak ni Broner na matibay ang kanyang panga na hindi kayang tapatan kahit pa may knockout power si Pacquiao.

Hindi naman daw papayagan ni Pacquiao na maulit ang sensational k.o. win na ginawa sa kanya noon ni Juan Manuel Marquez.

Samantala…Nagpaabot rin ng suporta kay Sen. Manny pacman pacquiao ang ilang mga bigating Hollywood superstars sa kanyang laban kay Adrien Broner ngayong umaga. (January 20, 2019.)

Kabilang sa mga ito ay sina Mark Wahlberg at Keanu Reeves.

Si Reeves ay sumikat ng husto sa pelikulang “the matrix” at “speed”,
Matatandaang bumisita pa noon sa wild card gym bago ang Mayweather fight ni Manny.

Habang si Wahlberg naman ay suki na rin ni Pacman.

Ilan sa blockbuster movies ni wahlberg ay “italian job,” “three kings,” at “the perfect storm”.

Facebook Comments