68 Hog raisers, Tinanggap ang Financial Assistance mula sa Dept. of Agriculture

Cauayan City, Isabela- Nagpamahagi na ng tulong pinansyal ang Department of Agriculture (DA) region 2 na tinanggap ng nasa 68 magsasaka na apektado ng African Swine Fever sa bayan ng Roxas, Isabela.

Pinangunahan ang nasabing distribusyon ng ayuda ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo of Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02), Mayor Jonathan “Totep” Calderon ng Roxas, Dr. Ronnie Ernest Duque of National Meat Inspection Service (NMIS), Dr. Zaldy Olivas of Bureau of Animal Industry (BAI), Dr. Angelo Naui, Provincial Veterinarian ng Isabela.

Muli namang nakiusap ang pangrehiyong director ng kagawaran ng pagsasaka sa lahat ng stakeholders upang labanan ang paglaganap ng nasabing sakit ng baboy.


Tinatayang aabot sa kabuuang P2.5 million pesos ang naipamahaging tulong sa nasabing bilang ng mga apektadong magsasaka.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Calderon sa ahensya sa kanilang ipinagkaloob na tulong sa kanyang mga kababayan.

Facebook Comments