680,000 na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Valenzuela City

50

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang abot sa ₱680,000 na halaga ng hinihinalang shabu matapos mahuli ang isang drug personality sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Emerson Pasion Cacho alyas Jhonny, 45.


Isinagawa ang operasyon sa Sta. Monica Subd., Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Nakumpiska sa buy-bust operation ang 100 grams na shabu, isang weighing scale, mga transparent plastic sachets at ang ginamit na buy-bust money.

Facebook Comments