6K na deboto, lumahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno

Umabot sa anim na libong deboto ang nakiisa sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Nagsimula ang prusisyon kaninang madaling araw mula Plaza Miranda at umikot ito sa iba’t ibang pangunahing lansangan sa Maynila hanggang sa makabalik ng Quiapo Church.

Ayon kay NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas – nagpatupad sila ng bagong polisiya para sa naturang procession upang maging maayos at ligtas ito sa mga deboto.


Ayon kay Sinas – ang mga deboto ay dapat nasa likod lamang ng carroza.

Nasa 9,000 pulis ang itinalaga sa mga rutang dadaanan ng procession.

Kapag naging maganda ang resulta ng bagong polisiya, ipapatupad rin ito sa araw ng Traslacion sa January 9, 2020.

Facebook Comments