Ikinararangal at kinikilala ng lokal na pamahalaan ng Cotabato city ang mga naging ambag ng centenarians sa pag-usad ng syudad.
Kaugnay nito, nakatanggap ng P100,000 cash gift ang 7 centenarians sa syudad, mayroon pang wheelchairs doon sa mga nangangailangan nito.
Sinabi ni Mayor Atty. Frances Chynthia Guiani-Sayadi, napakagandang pagmasdan ng mga lolo at lola na napapasaya at napapakinggan ang kani-kanilang mga kwento.
Habang nakikipag-usap umano si Mayor Sayadi sa may sandaang taon nang mamamayan ng lunsod ay naiisip ng alkalde ang lahat ng kanilang mga kontribusyon sa lungsod noong sila ay malalakas pa, maliit man o malaki, lahat sila ay bahagi ng makulay nating kasaysayan dagdag pa ni Mayor Sayadi.
Sa ilalim ng Republic Act 10868, lahat ng Pilipino sa Pilipinas na nakaabot sa ika-isang daang taon o higit pa ay magagawaran ng Centenarian gift na isang daang libong piso.
7 centenarians sa Cotabato city, nakatanggap ng tig P100,000 mula sa lokal na pamahalaan!
Facebook Comments