7-day average cases ng COVID-19, hindi na aabot sa 100 ngayong Disyembre

Posibleng hindi na umabot sa 100 ang maitatalang seven-day average cases ng COVID-19 ngayong Disyembre base sa pagtaya ng OCTA Research Group.

Sa kasalukuyan, nasa 105 na lamang ang average cases ng COVID-19 sa National Capital Region habang 440 sa buong bansa.

Naniniwala naman si OCTA fellow Dr. Guido David na nasa pito hanggang walong libo na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.


Base kasi aniya sa kanilang pagsusuri, may mga kaso na taong 2020 pa naitala pero hindi pa rin naiaalis sa COVID-19 tally.

Samantala, kumpiyansa rin si David na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso.

Katunayan aniya, kung wala lang Omicron variant ay baka nasa Alert Level 1 o back to new normal na ang bansa.

Facebook Comments