7 Katao, Natimbog sa Pagsusugal sa Isang Lamayan!

4738

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 7 katao matapos maaktuhan sa pagsusugal kaninang madaling araw sa isang lamayan sa Brgy. Labinab, Cauayan City, Isabela.

Ang mga naaresto na pawang mga taga Lungsod ng Cauayan ay nakilalang sina Esteban Bartolome, 53 anyos, residente ng brgy. Turayong, Rizaldo Marcos, 37 anyos at Bonifacio Mabazza, 36 anyos, kapwa residente ng Brgy Duminit, Frederick Niño, 31 anyos, residente ng brgy, Buena Suerte, Louie Jeff Baddong, 25 anyos, residente ng Brgy. Cabaruan, Andy Samulao, 39 anyos, residente ng brgy. District 3, at Jarwin Gammad, 40 anyos ng brgy. Guayabal.


Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya na mayroong kasalukuyang naglalaro ng Cara y Cruz partikular sa isang lamayan sa naturang lugar.

Nang kumpirmahin ng kapulisan ang sumbong ay naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal na nagresulta sa kanilang pagkaka-aresto.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang isang (1) lamesa, tatlong (3) piraso ng 25 centavo coins at pera na nagkakahalaga ng Php1,650.00.

Dinala ang mga suspek at nakumpiskang item sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments