*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang pitong (7) katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kahapon, April 12, 2020.
Nakilala ang mga akusado na sina Ferdinand Taguinod, Top 10 Municipal Level, 42 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Nabbabalayan, Peñablanca para sa kasong PD 705 o ‘Revised Forestry Code of the Philippines’ at Pepito Batalla, Top 8 Municipal Level, 49 anyos, walang asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Awallan, Baggao na nahaharap sa kasong PD 705 sa Probinsya ng Cagayan.
Samantala, inaresto din ang iba pa na sina Lycar Banatao, 31 anyos, may asawa, empleyado ng Kimberlin Enterprises at residente ng Brgy. Bayo, Iguig para sa kasong Light Threats; Alex Corpuz, nasa tamang edad, may asawa, isang magsasaka, residente ng Brgy. Matucay, Allacapan na nahaharap sa kasong PD 533 o ‘Anti-Cattle Rustling Law of 1974’.
Gayundin sina Alfredo Talingdan, 51 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Ligaya, Aglipay, Quirino para sa kasong Malversation of Public Funds; John Lorence Lineses, 24 anyos, may asawa, isang laborer at residente ng Brgy. Gaggabutan West, Rizal, Cagayan para sa kasong Theft o Pagnanakaw at Marilyn Duldulao, 37 anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Brgy. Ponggo, Nagtipunan, Quirino at nahaharap sa kasong BP 22 o bouncing check.