7 Lalaki, Arestado sa Tupada

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga alagad ng batas ang pitong (7) kalalakihan dahil sa pananabong ng mga ito sa loob ng isang compound sa brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga naaresto na pawang mga taga Lungsod ng Cauayan na sina Jomar Labog, 38 taong gulang, may-asawa, electrician, residente ng brgy. San Fermin; Samuel Valdez, 51 taong gulang, may-asawa, fruit vendor, residente ng brgy. Minante 1; Esperidion Ermac, 57 taong gulang, may-asawa, tricycle driver, residente ng brgy. District 1; Lito Gabani, 52 taong gulang, may-asawa, helper, residente ng brgy. District 1; Genald Cauilan, 33 taong gulang, may-asawa, residente naman ng brgy. San Fermin at dalawang mga tubong Catbalogan, Samar na sina Eddie Vargay, 54 taong gulang, at Bening Maranag, 45 taong gulang na kapwa walang asawa.

Una rito, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang himpilan ng pulisya kaugnay sa isinasagawang sabong sa kanilang lugar.


Nang magtungo sa lugar ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station ay nakumpirma ito kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagsasabong na nagresulta sa kanilang pagkakahuli.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang isang (1) Maroon Gaff box, isang (1) Chicken Cage, dalawang (2) cock box na may lamang tatlong buhay na Tandang, tig-isang (1) buhay at patay na Tandang na may guff at pera na nagkakahalaga ng Php3,126.00.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments