Narra PNP sa Palawan, may lead na sa pagpatay sa isang DENR official sa lugar

Palawan, Philippines – Kinumpirma ni Police Insp. Daryus Redundo ng Narra Municipal Police Office na mayroon na silang sinusundan lead sa mga suspek sa incident ng pamamaril at pagpatay sa isang opisyal ng DENR ng Narra, Palawan na si Fernando Alejo.

Sa insiyal na nakalap na impormasyon ng RMN Palawan, sinundan umano ng mga nakamotor na suspek n ang biktima na papauwi sa kanilang bahay.

Apat na tama ng kalibre 45 ang tinamo ng biktima, 2 sa ulo at 2 sa katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.


Samantala, ayon ay Redondo, bini-verify nila ang kanilang mga natatanggap na impormasyon para tukuyin ang pagkakilanlan at pagkakadakip ng mga suspek na riding in tandem.
DZXL558, Archie Barone

Facebook Comments