7 NPA, Sumuko sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Nagbalik-loob na sa pamahalaan ang pitong (7) kasapi ng New People’s Army (NPA) mula sa Zinundungan Valley, Rizal at Sto Niño, Cagayan.

Bitbit ng pitong sumuko ang kanilang mga armas na isang M16; dalawang (2) homemade shotgun, mga bala ng baril, isang hand grenade, tatlong (3) rifle granade, Anti-personnel mine, terrorist NPA flag at mga subersibong dokumento.

Ayon sa mga sumuko, naiparating sa kanila ang tunay na hangarin ng Community Support Program (CSP) upang mapaganda at maging maginhawa ang kanilang pamumuhay.


Tumulong rin ang mga residente ng mga nasabing bayan upang maiparating sa mga natitira pang rebelde ang mga ginagawa ng pamahalaan upang makamtan ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa kani-kanilang mga lugar.

Ibinahagi ng mga nagbalik-loob na doble ang hirap ng kanilang naranasan sa loob ng kilusan lalo na nang mawalan sila ng mga kagamitan matapos makumpiska ng kasundaluhan dahil sa nangyaring engkwento sa bayan ng Flora, Apayao noong ika-14 ng Marso, 2021.

Nangungulila din umano ang mga ito sa kani-kanilang pamilya na matagal na nilang nais makasama.

Malaki naman ang pasasalamat ni LtCol Angelo Saguiguit, Battalion Commander ng 17IB dahil sa ginawang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng mga regular na miyembro ng teroristang CPP-NPA.

Facebook Comments