Pagod ka na bang makipag-socialize at makipag-utuan sa mga taong nakapaligid sa’yo? Gusto mo na bang magkaroon ng short break for yourself? Ito ang ilan sa mga judgment-free na lugar na pwede mong puntahan at pasok sa iyong budget.
1. Sagada
Kung ang hanap mo ay peaceful pero IG-worthy places for your ‘me time’, ang Sagada ang perfect na lugar para sa’yo. Ito ay sikat hindi lamang para sa mga broken-hearted na sawang-sawa ng pumunta sa Mcdo para mag-move on kungdi pati na rin sa mga idol nating patuloy pa ring hinahanap ang kanilang mga sarili. Kung feeling mo ay bibigay ka na sa life, don’t worry, dahil nandiyan ang malamig ngunit maginhawang klima ng Sagada para yakapin ka at ipararamdam sa’yo na ‘it’s okay, not to be okay.’
Little pricey ang pagpunta dito pero paniguradong sulit naman.
2. Basilica Minore de San Sebastian
If you want to find serenity in the midst of chaos, ang Basilica Minore de San Sebastian ay laging bukas para sa iyo. Isa ito sa mga simbahanna pinakamainam puntahan kung gusto mong magkaroon ng heart-to-heart talk with God, especially when you feel depressed and alone. Gaya sa ibang simbahan, mapayapa dito at tamang-tama para sa mga taong nais mag-reflect sa kanilang buhay at gustong magkaroon ng panatag na kalooban.
Location: Pasaje del Carmen St, Quiapo, Manila, 1001 Metro Manila
3. Book and Borders Cafe
Ang picturesque cafe na ito ay swak para sa mga bookworm at caffeine lover. Ito ay pagmamay-ari ng mga sikat na celebrity na sina Benjamin Alves at Karylle yuzon. Paniguradong sulit na sulit ang iyong mga brain cells sa pagbabasa dahil mayroon ditong koleksyon ng mahigit 600 na libro.
Ang tahimik nitong ambiance ay sapat na para magkaroon ka ng personal space na matagal mo nang hindi nararanasan. Bukod sa mga iba’t-ibang klaseng kape, mayroon din ditong masasarap na pagkain gaya ng buffalo wings, pastas, salads at kahit beer and smoothies.
Location: 281 Tomas Morato Avenue, Sacred Heart, Tomas Morato, Quezon City
Cost: Php 250.00
4. The Farm
Kung naghahanap ka ng paraan para humilom ang nayurakan mong pagkatao, ang iyong pusong naghihingalo at ang isip mo na walang ginawa kungdi isipin kung saan ka nagkulang, ang The Farm ay nandyan para sa’yo. Sa lugar na ito, it doesn’t matter if you’re single or going through a heartache. Bukod sa mapayapang paligid, mayroon ditong yoga classes kung saan ikaw ay makakapagnilay, may mga daily movements activities gaya ng Power Walks at Plyometrics para marelax ang iyong isipan at katawan.
Location: 119 Barangay Tipakan, Lipa City, Batangas
5. Hub: Make Lab
Best place ang lugar na ito kung gusto mong mag-walwal mag-isa. Aside from live musical performances, mayroon din ditong spoken poetry at art exhibits kung saan pwedeng-pwede kang mag-senti nang walang judgment from other people. Huwag kang malungkot kung pupunta ka dito nang mag-isa, dahil sa huli ay uuwi ka ring masaya at magkakaroon ka pa ng bagong kakilala.
Location: First United Building, 413 Escolta Street, Manila
6. Director’s Club Cinema
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay enjoyable ang manood sa sinehan kasama ang barkada o ang jowa. Minsan, mas masarap mag-isa para iwas side comments at mas maappreciate mo ang movie. Ang Director’s Club Cinema ay isa sa mga perfect places para ikaw ay makapag-unwind. Madilim at relaxing ang ambiance dito kumpara sa ibang sinehan. Mayroon din silang comfy recliners na tila hinehele ka dahil sa lambot.
Location: SM Megamall, SM Aura, SM Mall of Asia, SM City BF Paranaque, S Maison
Cost: Php 350.00
7. National Museum
Ang National Museum ang nagsisilbing kanlungan ng sining at mayamang kasaysayan ng Pilipinas. Tiyak na mabubusog ang iyong mga mata sa mga artifacts, artworks at paintings na nandito. Sulit ito sa mga taong gusto ng ‘historical experience.’
Location: Padre Burgos Avenue, Ermita, Manila
Free admission
Article written by Mary Rose Cruz