7 suspek sa pagkamatay ng hazing victim sa Cebu, kinasuhan na

Kinasuhan na ang pitong suspek sa pagkamatay sa hazing ng University of Cebu student na si Ronnel Baguio.

Kasong homicide at paglabag sa Anti-Hazing Law ang isinampa laban sa mga suspek.

Tumanggi muna ang Public Attorney’s Office Region 7 na tukuyin ang mga respondent habang gumugulong ang imbestigasyon.


Ayon sa pulisya, matibay ang hawak nilang mga ebidensya laban sa mga suspek kabilang ang guro ni Baguio.

Si Baguio ay nasawi ilang araw matapos na sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity sa Cebu City noong Disyembre ng nakaraang taon.

Batay sa kanyang death certificate, nasawi ang biktima dahil sa severe acute respiratory distress syndrome secondary to indirect lung injury at acute kidney injury secondary to rhabdomyolysis.

Facebook Comments