Cauayan City, Isabela- Dumalo ang 70 magsasaka mula sa Saguday, Quirino kasabay ng selebrasyon ng ika-50 taon ng Presidential Decree o PD 27 at ika-34 na anibersaryo naman ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform-Quirino province kasama ang Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) at Legal Division kung saan, umarangkada ang Agrarian Reform Justice on Wheels o ARJOW kahapon, June 14, 2022.
Layon ng ARJOW na makapagbigay ng libreng serbisyong legal para sa mga magsasaka sa kanayunan at itinatag ito upang ilapit sa mga mamamayan ang mga serbisyong nagbibigay kalutasan sa mga sigalot na pang-agraryo na sakop ng DARAB.
Samantala, nag-iwan ng kanilang mga mensahe ang pamunuan ng DARPO Quirino sa pangunguna ni Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Jess Beth G. Quidasol ng kanilang pasasalamat at malugod na pagtanggap ng mga mamamayan sa Brgy.Magsaysay sa kanilang mga panauhin at sa aktibo nilang pakikibahagi at patuloy na pagsuporta sa mga adhikain ng ahensya.
Dumalo rin sa aktibidad ang iba’t ibang kinatawan ng ahensya at lokal na pamahalaan ng Saguday.
Facebook Comments