70 Padre de Pamilya, Nakiisa sa pagdiriwang ng ika-8 taong “Araw ng Kalalakihan”

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 70 kalalakihan ang napili ng provincial government ng Quirino na makiisa sa pagdiriwang sa ika-8 taon na “Araw ng Kalalakihan” na idinaos sa Quirino Watersports Complex, Capitol Compound kahapon, June 29, 2021.

Ito ay bahagi ng 50th Founding Anniversary sa lalawigan na may temang: “Kalalakihang Hinubog ng Panahon, Gaya ng Lalawigan, Babangon at Haharapin ang Bawat Hamon”.

Ayon kay G. Froilan Herrera, Population Program Officer III, ang aktibidad na ito ay nagsisilbing avenue para sa mga kalalakihan na magkasama at malaman ang higit pang mga bagay tungkol sa pagiging isang magulang, pagpapamilya o family planning, reproductive health at paglaban sa lahat ng uri ng karahasan laban sa mga kababaihan at bata na malaki ang kaibahan sa pamumuhay ng isang mag-asawa.


Sa kanyang mensahe, inihayag naman ni Governor Dakila Carlo Cua na ang aktibidad ay nagpapaalala sa publiko na ang mga haligi ng tahanan ay kailangan ding prayoridad habang itinuturing silang ‘padre de pamilya’ na nagpapatibay sa ugnayan ng pamilya.

“Ang ating ultimate objective ay mapatibay ang relasyon ng bawat pamilya dahil ang pamilya ay ang yaman ng bawat komunidad at ang bawat komunidad ay hindi mabubuo ng walang pamilyang matatag”, dagdag ni Governor Cua.

Nakiisa rin sa aktibidad ang naging panauhin na si G. Lolito R. Tacardon, Deputy Executive Director ng Commission on Population and Development, na itinuro ang kahalagahan ng pagpapalakas sa kalalakihan ngayon.

“There should be intervention among men in order to empower gender development, hindi lang babae kundi maski lalaki, kailangan nating palakasin ang bawat isa. That is why ‘KATROPA Movement’ or known as Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya was developed, we do not divide men and women, we make them as one as there is an important role between them in establishing a family”, ani Deputy Executive Director Tacardon.

Bilang karagdagan, kinilala ni MADEM Regional Director Angelito S. Obcena ang lalawigan ng Quirino bilang pinaka-aktibong lalawigan sa pagpapatupad ng KATROPA.

Facebook Comments