LINGAYEN, PANGASINAN – Inilipat na ang 70 pulis na mayroong kamag-anak na tatakbo sa papalapit na halalan ngayong taon sa Pangasinan.
Ayon kay PCOL Richmond Tadina, Pangasinan Police Provincial Director, sa nasabing bilang kinabibilangan ito ng 59 personnel at labing isang chief of police.
Natukoy ang mga ito na mayroong kamag-anak o miyembro ng pamilya na tatakbo sa darating na eleksyon sa Mayo.
Isa umano ito sa naging batayan ng Pangasinan Police Provincial Office upang ilipat ng assignment ang isang pulis upang maiwasan ang impluwensya sa pagdaraos ng eleksyon.
Natukoy naman ang apat na lugar sa probinsiya na immediate of concerns ngunit hindi pa maidedeklarang hotspot.
Ito ay ang Urbiztondo, Sual, Sto. Tomas at Anda. | ifmnews
Facebook Comments