MIYEMBRO NG LGBT, NAGPAKAMATAY MATAPOS MALULONG SA E-SABONG

94
MALASIQUI, PANGASINAN – Wala ng buhay nang tumambad sa kanyang kaanak ang katawan ng isang miyembro ng LGBT matapos itong magpatiwakal dahil sa pagkalulong sa e-sabong.
Kinilala ang biktima na si Hazel, 32 anyos.

Ikinagulat ng kanyang ama nang matagpuan na nakabigti ang kanyang anak gamit ang isang electrical cord sa kanyang kwarto.

Napag-alaman ng awtoridad na nagkaroon ng malaking pagkakautang dahil sa pagkalulong sa sugal na e-sabong o online sabong sa internet.

Ayon sa kanyang kaanak, tinulungan na umano siya na makapagbayad ng utang ngunit laking gulat nalang nila na ganito na ang nangyari sa kanya.

Depresyon ang isang tinitignan ng kanyang pagpapakatiwakal.

Samantala, nakatakda namang isailalim sa otopsiya ang mga labi ng biktima. | ifmnews


Facebook Comments