Pamimigay ng Sentinel Piglets sa mga Hog Raisers, Sinimulan na ng DA Region 2

19
Cauayan City, Isabela- Nagsimula ng magpamahagi ng sentinel piglets ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 sa ilang lugar ng rehiyon dos bilang bahagi ng swine repopulation program.

Aabot sa 150 piglets, starter, fattener at finisher feeds plus biologics ang nai-deliver sa Aurora, Isabela na ipinamahagi sa mga eligible hog raisers.

Ayon kay Livestock Program head Dr. Bryan Sibayan, umaasang makakabangon ang lahat mula sa dagok na dulot ng sakit na ASF.

Taong 2021, namahagi ng sentinel piglets bilang start-up activities na layong mabawasan ang epekto ng African Swine Fever sa mga apektadong hog raisers.

Facebook Comments