Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 723 ang mga Overseas Filipino Workers na nakauwi sa iba’t ibang probinsya sa Lambak ng Cagayan simula May 21 hanggang Hunyo 1, 2020.
Ayon sa ulat ng OWWA Region 2, ito ay sa ilalim ng Hatid Sundo for Stranded OFW Program ng OWWA Region 2.
Aniya, mahigpit ang pinagdaang proseso ng mga nasabing manggagawa gaya ng mandatory quarantine sa NCR at matapos magnegatibo sa mga isinawang pagsusuri sa mga ito.
Naglaan naman aniya ang bawat LGU para sa sasakyan ng mga dumating na OFWs pauwi sa kani-kanilang bayan.
Inaasahan naman na madaragdagan pa ang mga OFW na uuwi sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon.
Facebook Comments