Lalaki, Pinagtataga ng Anak ng kanyang Live-in Partner

330

Cauayan City, Isabela- Nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang live-in partner ng ina ng suspek matapos nitong tagain bandang 8:45 kagabi sa Brgy. Babalag East, Rizal, Kalinga.

Kinilala ang sugatang biktima na si Bert Espinosa, 51-anyos at Rolando Tolentino, 35-anyos na umawat lamang sa pananaga ng suspek.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay PEMS Charlie Odan, nakilala ang suspek na si George Manacnis alyas ‘DANDAN’, 27-anyos, may-asawa at residente rin sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, magkasamang nag-iinuman ang biktima at kasama nito ng biglang dumating ang suspek na lango sa nakalalasing na inumin at walang habas na tinaga si Espinosa habang sugatan ang kasama nito.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng leeg ang biktima gamit ang bolo na agad na isinugod sa pagamutan.

Sasampahan ng Frustrated Homicide ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad.

Facebook Comments