70,000 na mga baboy mula Visayas, Mindanao parating sa Metro Manila at Luzon ngayong panahon ng kapaskuhan

Target ng Department of Agriculture (DA) na buhusan ng mula 60-70,000 na buhay na baboy ang Metro Manila at Luzon galing Visayas at Mindanao.

Ito’y upang matiyak na may sapat at murang suplay ng karneng baboy lalo na sa buong buwan ng Disyembre kung saan mataas ang pork consumption dahil sa malalaking handaan.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nangako sa kaniya ang hog producers at traders na paparating pa ang mas maraming suplay ng baboy.


Nakahanda rin aniyang makipagtulungan ang mga ship owners at operators, at mga local government officials sa Visayas at Mindanao na pabilisin ang shipment.

Ani Dar, noong buwan ng Nobyembre ay dumating sa Luzon ang abot sa 9,217 na mga baboy

Mula December 4 to 18 ay may inisyal nang 5,706 na mga baboy ang isinuplay sa Luzon

Pinakamaraming suplay ang nagmula sa SOCCSKSARGEN o Region 12 na mayroong 4,710 na baboy.

Facebook Comments