71 na porsyento ng mga Pinoy, pabor sa ban kontra single-use plastics, ayon sa SWS survey

71 percent ng mga Pilipino ang may gustong ipagbawal o i-regulate ang paggamit ng mga single use plastic.

Ito ay batay sa resulta ng survey na ipinrisinta ni SWS Deputy Director Vladimir Licudine sa Isang pulong balitaan sa QC.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 27 hanggang 30 noong 2019.


May 600 na respondents bawat isa sa Balance Luzon at Mindanao, 300 bawat isa sa Metro Manila at Visayas na may sampling error na +2% para sa national percentages.

Gumamit ng “face to face” interview ang survey gamit ang “structured questionnaires with visuals”.

Bukod sa sando bags, kabilang sa gusto nilang i-regulate o gamitin ng mas kakaunti ay:

Plastic straws and stirrers (66%)

Plastic ‘labo’ bags (65%)

Styrofoam food containers (64%)

Sachets (60%)

Tetrapack or doypack for juices (59%)

Plastic drinking cups (56%)

Cutlery like plastic spoon and fork (54%)

Plastic bottles for juice (49%)

Plastic bottles for water (41%)

10 porsyento ng mga respondents ang may gustong mag-pataw na lamang nang mas mataas na presyo para sa paggamit ng single-use plastics kumpara sa total ban.

Ipinakita rin sa survey na anim sa 10 Pilipino ang gustong bumili ng mga food condiments sa mga recyclable at refillable containers sa halip na mga sachet.

Facebook Comments