Manila, Philippines – Ipagdiriwang ngayon buwan ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang ika-71 taong anibersaryo.
Sa interview ng RMN Manila kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, magkakaroon ng ibat-ibang aktibidad ang Red Cross sa mahigit 100 nilang chapter sa bansa.
Magkaroon din ng convention ang PRC sa Manila Hotel kung saan magbibigay din sila ng award sa ilang piling volunteers.
Ayon kay Gordon, sa ngayon malaki na ang pagbabago ng PRC dahil bukod sa mga makabagong kagamitan at pasilidad tulad ng ambulansya, firetrucks, water tanker, at rubber boats, mayroon din sariliring barko ang PRC na maaring magamit sa panahon ng sakuna.
Samantala, sa mga interesado naman maging volunteer ng PRC ay maaaring tumawag sa kanilang hotline na 790-2300.
Taong 1947 nang itatag ang PRC sa Pilipinas at hanggang sa ngayon ay patuloy itong nagbibigay serbisyo sa taong bayan.