BOAO FORUM FOR ASIA | Pilipinas, kaisa ng China sa paglaban sa iligal na droga, kriminalidad at terorismo

Manila, Philippines – Isang matayog na pangarap para sa Pilipinas at sa mga Pinoy ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa opening session ng Boao Forum for Asia na ginaganap sa China.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulong Duterte na kaisa ang Pilipinas sa buong Asia para makamit ang pangarap sa mga mamamayan nito.

Isa aniya sa mga kailangan gawin upang makamit ito ay ang pagkakaisa ng mga bansa sa Asia, maliit man o malaki.


Ibinida din ng Pangulo ang Build-Build-Build Program ng pamahalaan at ang target na 7.8 percent na growth rate kada taon.

Target din Duterte administration na ibaba ang poverty incident sa bansa mula sa 22% patungong 14% pagdating ng taong 2022.

Binigyan diin ng Pangulo na kaisa ng Pilipinas ang China sa paglaban sa iligal na droga at terorismo.

Facebook Comments