72 COVID-19 Patients sa Cagayan Valley, Nakarekober

*Cauayan City, Isabela*- Sa kabila ng 25 na naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos, muli namang nakapagtala ang Lambak ng Cagayan ng mataas na bilang ng gumaling sa naturang sakit.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, pitumpu’t dalawa (72) ang naitalang karagdagang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.

Mula sa 72 new recovered cases, 29 ang gumaling sa Cagayan, 34 sa probinsya ng Isabela, isa (1) sa Santiago City at walo (8) sa Nueva Vizcaya.


Umaabot na ngayon sa 3,095 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit habang nakapagtala naman ng 52 na total deaths ang rehiyon.

Ang lalawigan ng Cagayan ay mayroon nang 908 total confirmed cases, 143 ang aktibo; 1,708 ang total cases ng Isabela, 130 ang aktibo; 177 ang total cases ng Santiago City, 20 ang active cases; 657 ang active cases ng Nueva Vizcaya kung saan 19 ang aktibo, 9 ang total active cases ng Quirino na may 2 natitirang aktibo habang nananatili muli sa pagiging COVID-19 ang Batanes matapos makarekober ang 2 naitalang kaso.

Umaabot na ngayon sa 3, 461 ang total confirmed cases sa buong Lambak ng Cagayan kung saan 314 na lamang ang natitirang aktibong kaso.

Facebook Comments