72 na Positibo sa Coronavirus, Naitala sa Isabela Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ngayong araw, Enero 17, 2021 ng 72 na bagong positibo sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 72 new COVID-19 cases, labing walo (18) ang naitala sa bayan ng San Mariano; labing pito (17) sa City of Ilagan; labing isa (11) sa bayan ng Naguilian; siyam (9) sa Gamu; tig-tatlo (3) sa bayan ng Jones, Tumauini at Santiago City; dalawa (2) sa bayan ng Ramon; at tig-isa (1) sa mga bayan ng Angadanan, Burgos, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes at Roxas.

Sa kabila ng mga bagong naitalang positibo, gumaling naman sa nasabing sakit ang 53 na COVID-19 patients.


Sa kasalukuyan, mayroong 497 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela mula sa kabuuang bilang na 3,762.

Mayroon namang 3,205 na naitalang kabuuang bilang ng gumaling at 60 na total deaths.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, pinakamarami rito ang Local transmission na 443; sumunod ang mga Healthworkers na 30; labing siyam (19) na pulis at limang (5) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs).

Facebook Comments