72 Taong Gulang na Lola at Batang Lalaki, Nasagasaan ng Motor!

Aglipay, Quirino – Biglaang tumawid ang maglola sa National Highway ng Barangay San Leonardo, Aglipay, Quirino sa oras na alas syete ng gabi, March 24, 2018.

Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2 sa RMN Cauayan, kinilala ang lola na si Rufina Bauatista Saura, 72 anyos, may asawa samantalang ang tatlong taong gulang na batang lalaki ay si Revin Saura Dela Cruz, residente ng nasabing lugar.

Ang drayber naman ng pulang motor ay kinilalang si Jaymar Reyes Daquioag, bente anyos, walang asawa, construction worker, walang lisensya at residente ng Barangay Pinaripad Sur, Aglipay, Quirino.


Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP Aglipay, hindi umano kaagad na napansin ni Daquioag ang biglaang pagtawid ng maglola kung kaya’t nabangga nito na nagresulta ng kanilang pagkakasugat sa katawan maging si Daquioag na kaagad namang itinakbo sa Aglipay District Hospital.

Samantala ang motor sa di pa malamang halaga ng pagkasira ay nasa pag-iingat na ng PNP Aglipay para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments