FILIPINO WAR VETERANS | Old age pension, inaprubahan na ang pondo ng House Committee on Appropriations

91

Manila, Philippines – Pinondohan na ng House Committee on Appropriations ang ‘old age pension’ para sa mga Filipino war veterans.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles, aabot sa P 1.501 Billion kada taon ang pondo na ilalaan sa old age pension.

Sa oras na maging ganap na batas ang House Bill 270, mula sa dating P5,000 na pensyon kada buwan ay tataas ito sa P20,000 kada buwan.

Sakop lamang ng old age pension increase ang mga World War II, Korean War, at Vietnam War veterans na hindi nakakatanggap ng pensyon sa Armed Forces of the Philippines.

Inaasahang aabot sa 7,242 na beterano ang makikinabang sa old age pension increase.

Facebook Comments