Nasa 327 o katumbas ng 73% ng index crime sa probinsya ng La Union ang naresolba na ngayong taon, ayon sa La Union Police Provincial Office.
Ang probinsiya ay nakapagtala ng 449 na index crime incidents mula Enero hanggang sa kasalukuyan mas mataas kumpara noong nakaraang taon sa parehas na panahon na nasa 447.
Sa isang panayam sinabi ni PLTCOL. Dennis Balitoc, Community Affairs Development Unit Chief, sa kaso ng rape sa probinsiya nakapagtala ito ng 40 bilang at sa physical injuries ay mayroong 13 kaso.
Sa kaso ng nakawan naitala ang 12, siyam sa murder at dalawa sa homicide at wala namang naipaulat na kaso ng robbery.
Dahil dito, mas pinaigting pa ng kapulisan sa probinsiya ang pagsasagawa ng checkpoints maging ang police visibility sa mga kakalsadahan upang mapababa ang bilang ng mga vehicular traffic incident na nasa 184.
Samantala, nagpaalala naman ang opisyal na maging mapagmatyag sa mga taong may illegal na gawain at sumunod sa batas trapiko. | ifmnews
Facebook Comments