
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umaabot na sa 73,714 pekeng job postings ang kanilang naipatanggal.
Tiniyak naman ni Secretary Hans Leo Cacdac na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa social media platforms tulad ng Facebook at TikTok.
Layon nito na mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng job postings.
Tiniyak din ni Cacdac na araw-araw silang may ugnayan ng META para labanan ang mga sindikatong gumagaya sa mga lehitimong recruitment agencies.
Partikular na dinadala ang mga biktima ng human trafficking sa recruitment hubs sa Lao PDR, Cambodia, at Myanmar.
Bunga nito, tiniyak ng kalihim na maglalagay sila ng Migrant Workers Office sa nasabing mga bansa para mapabilis ang pagrescue sa mga biktimang Pinoy.
Facebook Comments