
Inilabas na ng Korte Suprema ang mga guidelines sa pagko-cober o pagbabalita ng media sa mga korte at ibang sangay nito buong bansa.
Sa katatapos na 2025 Media Summit sa Baguio City, sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting ang nasabing guidelines ang magiging gabay upang maging maayos ang pagbabalita hinggil sa usapin sa mga korte.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga mula sa iba’t ibang media entity mula sa radyo, television, broadsheets, tabloid at online network na nagko-cober sa SC.
Batay sa draft guidelines nakasaad ang mga limitasyon at proper decorum sa pagko-cober sa mga aktibidad ng korte gaya ng press conference, paglalabas ng mga desisyon, sirkular at iba pang kautusan ng Supreme Court.
Nakapaloob din sa guidelines ang coverage sa proceedings kung saan may mga restrictions at reporting protocols, pagkilala sa mga official sources ng impormasyon o mga balita.
Nakasaad din sa draft guidelines ang karapatan ng Korte Suprema na gumawa ng aksyon laban sa isang media practitioner o organisasyon na lalabag sa mga panuntunan.