Umabot na sa 74.2 milyong mga Pilipino ang nakapagparehistro na para sa Philippine National ID.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa bilang na ito, 22 milyong I.D. na ang nagawa habang 17.6 million na ang nai-deliver ng PhilPost.
Ayon kay Fred Sollesta, director ng PSA Civil Registration System – Information Technology Project, nakikipagtulungan sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas para makapag-produce ng mas maraming electronic at physical copies ng National I.D.
Target ng ahensya na makapag-produce ng 50 million cards hanggang sa katapusan ng 2022 at 90 million hanggang sa katapusan ng June 2023.
Facebook Comments