PARAÑAQUE CITY – Duguan at tadtad ng saksak nang datnan ng awtoridad ang bangkay ng isang 74-taong-gulang na babae sa loob mismo ng bahay niya sa Marcelo Green Village, Biyernes ng umaga.
Batay sa imbestigasyon ng Southern Police District, nagtungo raw ang pulisya sa tirahan ng biktimang si Sonia Moral makaraang makatanggap ng impormasyon na hindi ito sumasagot sa tawag ng mga kapitbahay.
Nagtamo raw ng 30 saksak si Moral na agad nitong ikinamatay.
Sinisilip ngayon ng awtoridad ang motibong pagnanakaw dahil nakakalat daw sa bahay ang pekeng alahas ng senior citizen.
“We are still searching for the weapon used and are looking at robbery as the main motive. However, we are also puzzled on why the suspect or suspects would inflict 30 stab wounds on a 74-year old hapless victim,” ayon sa imbestigador.
Napag-alaman ng operatiba na mag-isa na lamang ang matandang babae sa nasabing tahanan at tanging mga kapitbahay ang tumitingin sa kaniya.
Patuloy ang pagsisiyasat ng SPD para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
Facebook Comments