Santiago City, Isabela – Kaagad na natanggap sa trabaho ang 74 na aplikante kahapon sa ginanap na job fair ng DOLE at POEA sa Santiago City kasabay sa paggunita ng Labor Day, Mayo uno taong kasalukuyan.
Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay Regional Information Officer Reginald Estioco ng DOLE Region 2, umabot sa kabuuang 468 rehistradong aplikante ang sumabak sa job fair.
Ang job fair na isinagawa sa isang malaking mall sa Santiago City ay isang regional activity na nilahukan ng 56 na local employers at apat na overseas employers.
Sinabi pa ni Estioco na layunin ng sabayang job fair sa bansa ng DOLE kasama ang POEA ay mabigyan ng trabaho ang libong pilipino sa araw ng paggawa kahapon o Labor Day.
Samantala sa press conference na isinagawa rin sa Santiago City kahapon ay ipinaabot ng Dole sa lahat na buong proteksyon ang ibibigay sa mga manggagawa dito sa bansa at overseas na pangalagaan ng gobyerno ang kanilang karapatan.